Home  |   
  Search Tips
 
Ambiance
pasasalamat ng isang hamak
SHE IS THERE..
My New Home
Doon sa Magpakailanman
The Power of Prayer and the Gospel
My Mother and I
walang pamagat
My Uncle’s Lab
Laptops
Battle Fist
A Traveller's Ballad
The bravest thing I have ever done – to go Home
Bakit nga Ba?
Iglesia
 
Testimonials
Literary
Kaanib Webring
Brethren Gallery
Wallpaper Gallery
Music Gallery
Humor Post

AngDatingDaan.org
TheOldPathTV
Truthcaster.com
EliSoriano.com
eSoriano.wordpress.com
DanielRazon.com

Site Map | Terms of Use | Feedback | Report Bugs

about rss
Title: "SA PAGPUTOK NG BULKAN"
contributed by: jashead,  January 17, 2007

"SA PAGPUTOK NG BULKAN"


BUMUHOS ang makapal na buhangin na nagmula sa pagputok ng bulkan at humalo ito sa hangin upang ikalat sa madasalin at mahabaging mamamayan na naninirahan malapit sa naturang bulkan. Payak ang pamumuhay ng mga tao sa paanan ng bulkan at likas sa kanila ang pagiging masayahin at pagka-maka-Diyos dahil sa halos araw-araw ay sama-sama silang nagtitipon para sa pananalangin sa kanilang mahal na poon.

BAWAT isa'y dumadalangin ng palagiang kapayapaan at kahit simple lang ang buhay nila'y nagkakaisa naman sila, walang naghaharing kaplastikan. Lahat ay dumadalo kapag idinaraos ang prusisyon para sa kanilang mahal na poon...hanggang isang matindi ang sikat ng araw ay biglang yumanig ang lupa na nagpagiba sa pawid nilang mga tirahan.

PUMALAHAW ang iyakan ng mga nagimbal na magulang pati na ng mga batang masunurin sa batas ng Diyos...nagbanta ang bulkan ng isang malakas na pagsabog dahil sa nahahandang paglabas ng usok. Iniwan ng lahat ang kanilang mga kasangkapan at balutan, sabay-sabay nilang tinahak ang lugar ng kinalalagyan ng mahal nilang poon.

GUSTO ng lahat na mahipo kahit man lang ang kuko ng poon na inaasahan nilang tutulong sa kanilang kapighatian...nagsiluhod at umusal ng panalangin ang mamamayan habang nakaharap sa rebulto. Lumagpak ang buhangin na ibinuga ng bulkan sa kanilang katawan, unti-unti silang tinatabunan ng buhay ngunit patuloy sila sa pag-usal ng dalangin at hindi sila nawawalan ng pag-asa na ililigtas ng minamahal na poon.

MALAGIM ang sumunod na pangyayari...patay lahat ang mga nagtiwala sa rebulto...

LUMIPAS ang mga taon, sa gitna ng mga buhangin ay may kung anong bagay ang natagpuan ng mga bagong residente ng lugar na malapit sa bulkan. Tulong-tulong na hinukay ng mga tao ang misteryosong bagay at hindi naglaon ay lumitaw ang anyo ng isang rebulto...kasunod ang pagyanig ng lupa ngunit hindi nila ito pinansin sa halip ay kanilang nilinis ang rebulto saka ginayakan ng magarang kasuotan na napapalamutian ng mahahaling hiyas pagkatapos ay ginawan ng isang dambana na may kandila sa kaliwa at kanan...

PINALIBUTAN nila ang poon ng sari-saring mahahalimuyak na bulaklak saka nilagyan ng korona sa ulo at ipinagbunyi ang mahal nilang poon, itinakda ang araw mg pista nito na nagdulot ng kagalakan sa madla, naglitson ng mga manok at matatabang baboy ang bawat tahanan na anupa't masasabing babaha ng mabubundat at marami ang gegewang-gewang sa tabinging kalye bunga ng espiritu ng alak...

NAGBANTA muli ng pagputok ang bulkan at ang ibinubuga nito ay hindi maunawaan ng nakararami...lahat ay may katapusan, kasama na ang pinaka-iibig nilang rebulto at ang anomang bagay na nakikita datap'wat nananatili magpakailanman ang hindi nakikita...
 
Bookmark and Share


reader's comments:
gabriel @ January 19, 2007    
wow, galeng!
- - - - - - -

| Articles | Essays | Travelogue |Short Stories | Novelettes | Poetry |
Title Author Date Posted
Raven gabriel February 01, 2007
KAYA! gabriel January 28, 2007
Typie and Me ryan January 27, 2007
In the Nick of Time gabriel January 25, 2007
Isang Kuwento-Talambuhay iral_elman January 20, 2007
Ang Mahiwagang Lunchbox gabriel January 18, 2007
"SA PAGPUTOK NG BULKAN" jashead January 17, 2007
Campus Hero gabriel January 16, 2007
I Thank God That I Finally Found You gabriel January 10, 2007
The Need for Tears zufladah January 08, 2007
The Kennedy Saga gabriel January 05, 2007
Linda's Lovely Day kalel0215 January 05, 2007
You can do it gabriel December 30, 2006
To Be Free kalel0215 December 27, 2006
The POKEMON March pinch_hopper December 19, 2006
Lala's 3-Hour Trip hazeey December 18, 2006
Faces in the Hallway pinklady0122 December 16, 2006
Si Ben...Nangarap kalel0215 December 08, 2006
Mistaken Friendship pinklady0122 November 19, 2006
bangungot... monfrei October 19, 2006
<<< first << previous 20 next 20 >> last >>>




ADVERTISEMENT