|
 |
Title: Linda's Lovely Day
contributed by: kalel0215, January 05, 2007
“Linda, nailigpit mo na ba ang pinagkainan?”
“Kanina pa po ma, pangalawang beses mo ng tinanong…saka Lindsay po…ayaw ko ng Linda.”
“Naku…ikaw talagang bata ka…Linda naman talaga ang pinangalan ko sayo…ano ba ang oras ng klase mo ngayon?”
“Si mama talaga, pangatlong beses na yang tanong na yan eh…”
“Aba’y pagpasensyahan mo na, ‘di ko naman ginustong maagang maging malilimutin.Sino ba naman may gustong magkasakit ng ganito?"
"Whatever! Maliligo na ako!"
"Sige ikaw na maunang gumamit ng banyo..."
Menos kinse minutos para mag alas-otso ng umaga, yun ang sinasabi ng oras sa cellphone ni Linda aka Lindsay. Medyo malayo pa ang pinapasukang eskwelahan niya…kulang ang kinse minutos na yon para maabutan nya ang unang period ng klase nya. Martes kasi ng araw na iyon…tantyado na nya ang oras ng biyahe ng crush nya na nagaaral sa ibang paaralan. May pangapat na beses na nyang nasabayan ito. Hay, wala pa yung stainless na jeep na yon,sabay buntung-hininga. Alam nya na pag iyon na ang jeep na dumaan sakay na rin doon ang crush nya. Hindi nya rin alam kung bakit. Maaaring anak iyon ng may-ari ng jeep at sumasabay na lang sa biyahe ng ganoong oras. Maaari ring kapitbahay nila ang may-ari ng jeep at nakikisabay lang. Basta, anuman ang dahilan, masaya na sya doon. Hawig kasi ng isang papasikat na teen actor sa t.v. ang lalaking yon.
Limang minuto ang nakalipas, may paparating na jeep…pasimple nyang inihaba ang leeg upang silipin ito….napaurong sya ng kaunti ng mkitang hindi pa iyon ang jeep na yon. Napabuntung-hininga muli. Kung tutuusin maaari na naman syang sumakay sa mga nagdaan na jeep kung gugustuhin nya lang. Pero hindi sya papayag na hindi masabayan ang crush nya. Ayaw nyang masayang yung dalawang sachet ng mabangong conditioner na ginamit nya ngayon sa buhok nyang hanggang balikat ang haba na pinakulayan pa nya kahapon sa parlor ng kaibigang bakla, para siguradong maging agaw-atensyon ang ganda niya. Kayumanggi si Linda aka Lindsay. Napaka ordinaryo ng hitsura. Usli ng kaunti ang maitim itim na nguso na pinatungan ng matingkad na kulay rosas na lipstik at may mga mata syang madaling umirap. Ngunit malakas ang kumpiyansa sa sarili, paniwala nya ay napakaganda nya dahil madalas syang masabihan na maganda raw sya ng mga tambay sa tindahan nina Ka Thelma. Lalo na si Bruno na masugid nyang manliligaw na kubrador ng jueteng sa barrio nila. Ilang sagala na rin kasi ang sinalihan nya at may dalawang beses na syang nagmuse sa liga ng barangay. At ngayong disi-sais anyos na sya, nararamdaman nyang panahon na para sya ay umibig…..Nakatayo pa rin sya sa harapan ng gate nila. Nasa tabing kalsada kasi ang bahay nila. Ilingon nya lang patalikod ang ulo at hayun agad ang ikalawang palapag ng bahay nila na bahay-kastila pa ang dating. Gawa sa kapis ang mga binatana nito. Iyon ang kagandahan ng kinaroroonan ng bahay nila, hindi mahirap makasakay.
“Oy Linda, di ka pa pala nakakasakay…napatay mo ba ang ilaw ng kwarto mo?” sigaw ng mali-maling ina ni Linda aka Lindsay na nakadungaw sa bukas na bintana ng bahay na tunay namang ikinairita ng dalaga. Nilingon nya ang ina ng may pairap-irap na mata…
“Ano ba ma, dinig ka hanggang sa kabilang baranggay..opo pinatay ko yung ilaw sa kwarto. Okey?” sabay pihit pabalik ng ulo nito sa kalye. Isang tunog ng cellphone naman ang lumikha ng ingay. Dali-dali nyang kinuha ang Motorolla nya na padala sa kanya ng tatay nyang nasa Saudi. Binasa nya ito “gurl ‘zup? mgksbay nb keo now? flag cremony na!” Galing ito okay Janelli ang kabarkada nya at kasamahan nya sa cheering squad na tunay naman nyang kasundo dahil sa magkaugali ang dalawa. “Huwag kang mag-alala gurl,ikukuwento ko sayo mamaya lahat, I’m sure this is the day…my first love will happen!” bulong nya sa sarili.
May tunog ng jeep na paparating. Inihaba nya muli ang leeg. Ayan na! Tili nito sa loob-loob nya. May kung anong malamig na pakiramdam ang gumapang sa katawan nya na nagdulot ng kaba at kilig sa kanya nang makita ang inaasahang stainless na jeep. Naku, pa’no kayang pagpapacute gagawin ko? Hindi. Kailangan poise ako. Kailangan pa-hard to get. Isnabera dapat ang dating, ang mabilis na naglalaro sa isip nya kung papaano nya ipo-project ang sarili sa harap ng crush, habang iniaayos ang di makitang lukot sa pink na shoulder bag. Haay, mukha na akong korean actress nito. Humantong ang jeep sa kinaroroonan nya at mahinhin nyang iniangat ang mga braso upang ito’y parahin. Huminto ang sasakyan sa harap ng gate nila. Hawak ang pink na panyo sa kaliwang kamay na nakalapat sa mga dibdib nito tanda ng pagkamahinhin, dahan-dahan nyang tinungo ang daungan sa likod ng sasakyan. Nahuli ng mga mata nya ang lalaking yon, maski halos puno na ng pasahero ang jeep. Kumabog ng husto ang dibdib nya nang masilip na nakatitig din sa kanya ang binata. Inirap nya ang mga mata, kailangan ‘di ako mahalata. Poise. Hard to get. Perpekto sa kanya ang mga sandaling iyon. Parang isa sa mga eksena sa romantikong pelikula. Humawak sya sa stainless na hawakan at isinampa na ang paa sa tuntungan ng jeep. Marahang marahan. Hindi pa man sya nakakasampa ng lubusan, isang sigaw ang bumasag ng mga sandaling iyon para sa kanya at sa mga kasamahang pasahero….
“Oy Linda, nabuhusan mo ba ang kubeta? Baka may natira ka pang tae na lulutang-lutang don gaya dati!”
|
|
| reader's comments: |
gabriel @ January 05, 2007 wahahahahaha!!!! tae? bwahahahahaha!!!! - - - - - - - |
kalel0215 @ January 06, 2007 the scene where the mother yelled after her daughter as the latter hopped in the jeep truly happened..but not a toilet matter though.. - - - - - - - |
gabriel @ January 06, 2007 and the toilet bowl exploded...
poof!
it became koko crunch! - - - - - - - |
gabriel @ January 06, 2007 ano po nangyari sa totoong buhay bro? ano po sinigaw ng mama nya? - - - - - - - |
kalel0215 @ January 09, 2007 oy, oy, oy....yung baon mo nadala mo ba? >>> yun yung sigaw ng mama nya... hehe - - - - - - - |
theophilus @ January 09, 2007 oy, oy, oy sino ba si Linda??? - - - - - - - |
kalel0215 @ January 09, 2007 si Linda ay fictional character na inspired from a co-passenger na hinabol ng nanay nya.... - - - - - - - |
chacha @ December 19, 2007 hehe.. nagpapacute din po ba ung copassenger nio? - - - - - - - |
kalel0215 @ January 24, 2008 di nmn po. naadapt ko lang yung incident na yun, then gumana na yung isip ko with the question na "what if . . ?", then nakabuo na ng draft.
he h - - - - - - - |
|
|
|
| Articles | Essays | Travelogue |Short Stories | Novelettes | Poetry | |
|
|
|
|
| Title |
Author |
Date Posted |
| Raven |
gabriel |
February 01, 2007 |
| KAYA! |
gabriel |
January 28, 2007 |
| Typie and Me |
ryan |
January 27, 2007 |
| In the Nick of Time |
gabriel |
January 25, 2007 |
| Isang Kuwento-Talambuhay |
iral_elman |
January 20, 2007 |
| Ang Mahiwagang Lunchbox |
gabriel |
January 18, 2007 |
| "SA PAGPUTOK NG BULKAN" |
jashead |
January 17, 2007 |
| Campus Hero |
gabriel |
January 16, 2007 |
| I Thank God That I Finally Found You |
gabriel |
January 10, 2007 |
| The Need for Tears |
zufladah |
January 08, 2007 |
| The Kennedy Saga |
gabriel |
January 05, 2007 |
| Linda's Lovely Day |
kalel0215 |
January 05, 2007 |
| You can do it |
gabriel |
December 30, 2006 |
| To Be Free |
kalel0215 |
December 27, 2006 |
| The POKEMON March |
pinch_hopper |
December 19, 2006 |
| Lala's 3-Hour Trip |
hazeey |
December 18, 2006 |
| Faces in the Hallway |
pinklady0122 |
December 16, 2006 |
| Si Ben...Nangarap |
kalel0215 |
December 08, 2006 |
| Mistaken Friendship |
pinklady0122 |
November 19, 2006 |
| bangungot... |
monfrei |
October 19, 2006 |
|
|
|
|
| |