Home  |   
  Search Tips
 
Ambiance
pasasalamat ng isang hamak
SHE IS THERE..
My New Home
Doon sa Magpakailanman
The Power of Prayer and the Gospel
My Mother and I
walang pamagat
My Uncle’s Lab
Laptops
Battle Fist
A Traveller's Ballad
The bravest thing I have ever done – to go Home
Bakit nga Ba?
Iglesia
 
Testimonials
Literary
Kaanib Webring
Brethren Gallery
Wallpaper Gallery
Music Gallery
Humor Post

AngDatingDaan.org
TheOldPathTV
Truthcaster.com
EliSoriano.com
eSoriano.wordpress.com
DanielRazon.com

Site Map | Terms of Use | Feedback | Report Bugs

about rss
Title: Faces in the Hallway
contributed by: pinklady0122,  December 16, 2006

FACES IN THE HALLWAY

Sa lugar na ito, hindi karaniwan sa mga tao ang ngumingiti sa iba, lalo na't hindi nila kalahi. Matataas sila, palibhasa'y mayayaman. Hindi naman lahat ay may pinag-aralan, pero dahil marahil sa estado ng bansa nila, na di hamak na mas mayaman ang ekonomiya sa bansa nating Pilipinas, ang tingin nila sa sarili nila'y mataas, at tingin nila sa mga dayuhang galing sa mahihirap na bansa ay basahan, utusan, at alipin.

Receptionist ako, kaya naman halos lahat ng dumadaan sa hallway ng floor namin ay nakikita ko. Marami na rin akong na-encounter na tao – may mabait, masungit, pasensyoso, hindi marunong mag-English, baruk mag-English, fluent sa English, at iba pa.

Sa bawat taong nakakasalamuha ko, iba-iba ang damdaming iniiwan nila sa akin. Mayroon inis, lalo na kapag hindi kami magkaintindihan. Mayroon naman ngiti, dahil friendly ang approach nila pagpasok pa lang sa opisina. Minsan awa, dahil bawal akong magpapasok ng mga nagso-solicit sa loob, instruction kasi iyon ng amo ko. Bawat dumadaang tao sinusulyapan ko. Minsan lumilingon din, pero never pa yatang may ngumiti sa akin.

Ngayong umaga, habang nakatunganga ako sa harap ng computer ko, na madalas na pinapasakit ang ulo dahil lagi na lang nagha-hang, nagulantang ako sa malakas na iyak ng bata sa may elevator. Dumungaw ako, mula sa computer monitor na maghapon kong kaharap at kasalamuha sa araw-araw ng aking trabaho. Malakas ang iyak ng bata. Di kalaunan lumabas mula sa elevator ang nanay, hila ang stroller. May katapat kasi kaming salon. Kadalasan, kapag pumupunta ang mga nanay doon, hila-hila nila ang mga chikiting nila.

Pagsulyap ko, una kong nakita ang nanay, na nagsasalita ng kung ano na hindi ko maintindihan dahil Arabic. Pinagmasdan ko siya. Anlakas ng boses niya. Napaisip ako, "Sino kaya ang kausap niya?" Hindi naman siya maiintidihan noong bata na umiiyak, unang-una parang hindi pa naman nagsasalita iyon. Pangalawa, sa lakas ng iyak niya, siguradong hindi na maririnig nito ang boses ng nanay niya.

Nag-obserba ako. Nagulat na lang ako nang makita kong sumulpot sa gilid ng monitor ng computer ko ang maliit na ulo. Hindi pala ang baby lang na naka-stroller at nanay ang lumabas sa elevator, meron pang isang bulinggetong na bata na kasunod. Kakaiba, sa tantiya ko ay one to two years old pa lang iyong bata, susuray-suray pa sa paglalakad, pero hindi siya inaakay ng nanay. Paano kaya kung naipit iyon sa elevator? Hay naku, pabayang ina.

Isinilip ko nang bahagya ang ulo ko sa likod ng monitor, para makita ko ang bulinggit na batang nakayuko pa talaga ng todo para silipin ang mukha ko. Pinagmamasdan niya ako. Hindi siya kalapitan sa akin, tama lang ang distansiya naming dalawa. Tiningnan ko siya, at ngumiti siya sa akin. Ang cute niya. Cute talaga ang mga bata dito, pero kapag lumaki na, hindi na cute, nakakata-cute na dahil kadalasan ay mataray na at masungit.

Napangiti tuloy ako ng hindi sinasadya. Buti na lang at hindi nakatingin ang ina, at busy sa pag-asikaso sa anak niyang nagngangangawa sa pag-iyak. Maingay! Rinig na rinig ang bulahaw ng anak niya at boses niya sa buong floor, dahil sobrang tahimik dito.

Pero iyong isang bata hindi matinag ang tingin sa akin. Nakangiti pa rin siya at nakayuko. Parang inaaliw niya ako. Pero ano ba ang malay niya sa akin? Ano ba ang malay niya sa nasa isip ko? Ano ba ang alam niya sa pagiging seryoso?

Kumaway siya sa akin. Naku, parang gusto ko siyang yakapin at halikan. Nakakatuwa talaga. Pero hindi pwede, heto na ang nanay niya. Biglang hinablot ang kaawa-awang bata, na parang matatanggal na ang braso nito mula sa kaniyang katawan. Marahas naman masyado ang pagtrato niya sa isang cute na cute na batang tulad ng anak niya.

Tiningnan ko lang ang bata habang hinihila ng nanay papalayo sa akin, na parang susubsob na ang bata sa bilis ng paglakad na kanyang nanay. Nakalingon pa rin sa akin iyong bata, nakaturo pa ang hintuturo sa akin at parang sinasabi sa nanay niya na pansinin naman ako.

Naisip ko, mabuti pa iyong bata marunong pumansin sa mga katulad kong itinuturing ng mga kalahi niyang alipin at utusan. Mabuti pa siya may oras na tumigil at ngumiti sa akin sa kabila nang seryoso ang mukha ko at nakakunot ang kilay. Mabuti pa siya hindi pa niya naiintindihan ang katagang "discrimination" dahil sa hindi niya pa alam ang totoo niya estado sa buhay, kung gaano kalayo sa estadong kinalalagyan ko. Mabuti pa siya malinis ang kalooban at marunong magpahalaga sa kapwa.

Napagaan ng batang iyon ang loob ko ngayong umaga. Naalala ko tuloy ang katwiran ng Dios sa Biblia, nang iutos ng Dios sa mga lingkod Niya ang tumulad sa mga bata para makapasok sa kaharian ng langit. Siguro kung lahat lang ng tao magagawa iyon, napakatahimik ng mundo ngayon; walang discrimination, walang naaapi, walang injustices. Ansarap isipin, pero hindi naman mangyayari.

Pero may takot ako sa puso, gayong ganoon ang klase ng nanay na mayroon siya, magiging ano kaya siya paglaki niya? Sana huwag na lang niyang malaman ang kulay ng kutis niya, ang layo ng agwat niya sa ibang nilalang sa mundong ito, ang kaibahan ng kultura niya sa ibang tao, at sana huwag na siya masalinan ng maling pananampalatayang kinagisnan ng kanyang mga magulang.

Pero alam kong darating ang araw haharap siya sa totoong kulay ng buhay. Nakakalungkot isipin. Sa araw na iyon papansinin pa kaya niya ako? Matatandaan kaya niya ang ngiting ibinigay niya sa akin ngayong araw na ito? Marahil hindi na. Pero ako, habambuhay ko itong maaalala.

Antagal nilang lumabas sa salon, gusto ko uling makita iyong bata. Baka ngitian niya ako uli! Sana nga…

December 16, 2006_2:05 pm
 
Bookmark and Share


reader's comments:
theophilus @ December 19, 2006    
marami nang mga GCOS na ngingiti sa 'yo dito dahil nag close-up pa sila... joke...
- - - - - - -
theophilus @ December 19, 2006    
teka nag BEAM nga pala yung iba...
BEAM means smile, smile kami pag BEAM, BEAM na BEAM ngipi'y protektado... panalo pag BEAM...
- - - - - - -
theophilus @ December 19, 2006    
nice experience!!!
- - - - - - -
pinklady0122 @ December 19, 2006    
how i wish mkpnta nga ako sa apalit sa PBK, kung pwede lang...
- - - - - - -
josepherdon @ December 20, 2006    
ayos po yung kwento. i can relate with this one. speaking of gcos, nakakatuwa nga sila for welcoming the brethrens sa pasalamat
- - - - - - -
josepherdon @ December 20, 2006    
kahit bagong gising ka pa lang from FX or sa sasakyan from biyahe
, kapag nginitian ka nila eh, ayos. =)
- - - - - - -
gabriel @ December 30, 2006    
ang galeng! sana ako din, makagawa ng magandang babasahin!
Keep it up po!!!
to God be the Glory!
- - - - - - -
crismaliza @ April 27, 2007    
hehe...Kambal, napatawa mo ako sa sulat mong ito a.natural ang dating...uwi ka na ri2 miss na kta! Hindi lang ngiti ang ibibigay ko pati tawa!hahaha..
- - - - - - -

| Articles | Essays | Travelogue |Short Stories | Novelettes | Poetry |
Title Author Date Posted
Raven gabriel February 01, 2007
KAYA! gabriel January 28, 2007
Typie and Me ryan January 27, 2007
In the Nick of Time gabriel January 25, 2007
Isang Kuwento-Talambuhay iral_elman January 20, 2007
Ang Mahiwagang Lunchbox gabriel January 18, 2007
"SA PAGPUTOK NG BULKAN" jashead January 17, 2007
Campus Hero gabriel January 16, 2007
I Thank God That I Finally Found You gabriel January 10, 2007
The Need for Tears zufladah January 08, 2007
The Kennedy Saga gabriel January 05, 2007
Linda's Lovely Day kalel0215 January 05, 2007
You can do it gabriel December 30, 2006
To Be Free kalel0215 December 27, 2006
The POKEMON March pinch_hopper December 19, 2006
Lala's 3-Hour Trip hazeey December 18, 2006
Faces in the Hallway pinklady0122 December 16, 2006
Si Ben...Nangarap kalel0215 December 08, 2006
Mistaken Friendship pinklady0122 November 19, 2006
bangungot... monfrei October 19, 2006
<<< first << previous 20 next 20 >> last >>>




ADVERTISEMENT